SpotiPoem: Sa Aking Puso

SpotiPoem: Sa Aking Puso

May pag-aalinlangan

Pagpipigil sa sarili

Hindi mapakali

Hanap ka sa bawat sandali.

May pag-aalangan

Sarili ay hindi maintindihan

Pinipilit ka nang kalimutan

Pero bakit ikaw pa rin ang laman ng isipan?

Pintig ng puso’y pangalan mo pa rin ang sipol

Ala-ala mo sa isipan heto pa rin nagbubuhol-buhol

Minsan nang sinabing hindi na maghahabol,

subalit bakit heto’t sa tabi ay humahagulgol?

Ikaw pa rin kasi.

Pilit ko man itanggi,

Iwaksi ka sa utak, ikaw pa rin pala—

Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabi’t araw,
Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw,
Ikaw ang buhay at pag-ibig, wala na ngang iba,
sa ‘king puso’y tunay kang nag-iisa

Artist: Ariel Rivera

Wanna be updated with our diary blog entries?

SIGN UP TO RECEIVE THE LATEST DIARY BLOG ENTRIES.

Don't worry, we don't spam.

Leave a Reply

Back To Top