SpotiPoem: Janice

SpotiPoem: Janice

silhouette photography of man and woman
Photo by Mateus Souza on Pexels.com

Iwan natin silang lahat, tayo muna hanggang sa pagdilat. Buburahin lahat ng alaala kasama sila. Saglit lang, tayo munang dalawa.

Artist: Dilaw

Huwag na munang isipin ang mga tampo,

hindi magkakaunawaan at mga argumento

Sinta, kamay ko ay abutin mo.

Sumama ka sa akin at muli sabay tayong maliyo.

Muli, sabay tayong mawala—

katulad noon hindi ka nagdalawang isip na iwanan sila, dahil ang mahalaga sa ‘yo ay ako, at ang tayong dalawa.

Huwag nang magalit, sumabay ka na lang sa aking pagpikit

Muli sa malalaking ulap tayo ay magkandirit

Pangarapin muli natin ang langit,

malunod sa malawak na dagat nang pagkasabik.

Sasayaw tayo sa hangin at iindak,

Patayin ang makulay na bahaghari, gawing madilim ang paligid

pansamantala tayong lumayo sa gulo ng reyalidad.

Kagaya nang una gumawa tayo ng sarili nating musika: tunog mula sa mga halik, halinghing ng bawat pagkasabik.

Kapwa tayo muling madarang sa bawat init, mga pawis ay muling patagaktakin, mga katawan ay muling pasayawin.

“Iiwan natin silang lahat
Tayo muna hanggang sa pagdilat
Buburahin lahat ng alaala kasama sila…
Saglit lang, tayo munang dalawa”

Tayo lang,

Tayo muna,

Bumalik tayo sa umpisa,

Kagaya nang una.

Wanna be updated with our diary blog entries?

SIGN UP TO RECEIVE THE LATEST DIARY BLOG ENTRIES.

Don't worry, we don't spam.

Leave a Reply

Back To Top